Friday, September 5, 2014

hiwaga sa Starlites sa Cubao

Dito sa lugar na ito dinadaos ang mga malalaking gay pageants. Isa itong disco at ktv bar na may mga VIP rooms at may dance floor.

Kilala ang bar na ito sa Cubao dahil na rin madalas dito ganapin ang mga grand eyeball ng mga pa-mean-ta sa lipunan.

Marami ang nagsasabi na isa itong malaking basurahan dahil na rin sa walang class at marumi ang paligid. Pero hindi naman iyun naging dahilan para hindi puntahan ng mga suki na ng bar.

Sinasabi rin na mabagal ang service ng mga crew at namimili ng pagsisilbihan dahil umaasa lamang sila sa tip na ibibigay sa kanila.

Kahit ako ay may naging karanasan sa bar na ito. Yung mga ibang VIP rooms, kahit may mga ilang tao pa sa loob ay naka locked na ang pinto at may nangyayaring kakaiba sa loob nga ng kwarto na yun. Kahit ang mga bakanteng VIP rooms ay nagiging lugar na rin ng mga eksenang dapat mo ng asahan kung ang mga naroon ay mga pa-mean-ta.

Karamihan ng mga nagpupunta dito ay maglalasing at pagkatapos ay aawra na at madalas sa loob mismo ng cr ng bar ay may nagaganap na live show.

Kahit anong suot mo ay pwede, kahit nga nangangalakal ay nakakapasok sa loob para mangulekta ng plastic bottle.

Sa kabila ng pangit na paglalarawan sa bar, dinarayo pa rin ito.

No comments:

Post a Comment