Saturday, September 13, 2014

Life Learners: Ano ang FETISH ng Beki?

Ano ang FETISH mo?

Dumalo ako sa isang group sharing sa MCCQC.

Ang topic sa gabing yun ay about sa kung ano ang FETISH mo sa sitwasyon o bagay. At kung paano ito nakakatulong sa relasyon na meron kayo ng partner mo.

Mahigit sa isang dosenang gay guys ( discreet at effem ) ang nagbigay ng mga FETISH nila.

Nandoon yung may gusto makakita ng dalawang straight guys na nagse sex.

Mayroon din na gusto na maskulado at depende sa suot sa katawan.

May chub chaser at may gusto rin ang twinkies.

Iba- ibang paliwanag ang binigay ng mga naroon sa mga FETISH nila.

Sa pagtatapos ng group sharing, marami akong natutunan pero hindi nagbago ang pagtingin ko sa kung ano talaga ang FETISH na gusto ko at hanggang saan ang kaya nitong ibigay na sensasyon sa akin.

After ng group sharing, dumiretso kami sa isang 24hr foodchain.

Doon natuloy ang kuwentuhan at tawanan.

Masaya sa pakiramdam. Kasi, ang nakasanayan ng iba sa amin, pag beki ka o bisexual male kuno, laging sa bar o sa inuman lang pwede mag bonding at mag usap ng mga bagay bagay na normal naman sa mga gaya namin.

Nakakatuwa na hindi ako puyat na umuwi at amoy usok o ang baho ng hininga ko dahil sa alak. Hahaha.

Ang MCCQC ay isang community church na may special ministry para sa LGBT.

Every sundays, 5:00PM-7:00PM ang oras ng worship.

Every fridays, 6:00PM-9:00PM naman ay Life Learners o group sharing ng mga gay guys ( discreet o effem ) tungkol sa karanasan at buhay nila.

Walking distance from mrt cubao station at gateway ang building kung saan naroon ang MCCQC.


----- ----- -----

IG : @chalojado
Twitter :@akosichardee



No comments:

Post a Comment