Wednesday, September 10, 2014

ang LIFE LEARNERS sa MCCQC

ang Life Learners sa MCCQC.

Every weekend, nasa gimikan ang mga bakla. Pang distress nila sa araw-araw na pagtatrabaho nila. Kahit wala ng panggastos, maka gimik lang ay uutang sa mga kapwa baklang kaibigan.

Ang rason ng iba, sila ay alone at nakakaramdam ng sobrang loneliness. Kailangan nila ng masayang kapaligiran at kasama ang mga kaibigan na makikinig sa kanila sa mga pinagdadaanan nila. Magsisimula ang usapan kapag tinamaan na sila ng esperito ng alak. Kung tutuusin, usapang lasing at halos wala naman nakikinig dahil mas gusto ng iba na umawra na dahil may lakas ng loob ng binigay ang alak sa katawan nila.

Btw, magkakaiba naman ang mga bakla, sa parte ko naman, napagdaanan ko na idaan sa maboteng usapan ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng kalungkutan. Sa love life, sa pamilya, sa trabaho at sa ibang tao.

Sa life learners ng MCCQC, mas naging madali sa akin ang tumanggap ng payo at kritisismo sa mga ginawa at nagawa ko.

Kapwa ko bakla ang pumupuna ng mali ko, at kahit ako ay nahihiya dahil nga nasa katinuan ang isip ko at talagang tagos hanggang sa damdamin ko ang mga katotohanan na sinabi nila.

Marami akong narinig na kuwento ng buhay ng mga kapwa ko bakla sa sirkulasyon na yun. May masaya at may malungkot. Mararamdaman mo na maluluha ka sa awa sa mga katotohanang kuwento na ibinahagi ng mga naroon.

Kaya naman, mas naging madali sa akin ang tumanggap ng puna, positibo o negatibo man dahil alam kong hindi pala ako nag iisa sa mga karanasan ng buhay.

( ang MCCQC ay walking distance sa mrt cubao station at gateway. 6:30-9PM tuwing friday ang group sharing. )

IG: @misterbromantiko
Twiter: @akosichardee
Wechat: IamChardee

1 comment:

  1. If you're attempting to lose fat then you certainly have to get on this brand new personalized keto plan.

    To create this service, licensed nutritionists, fitness couches, and top chefs have united to develop keto meal plans that are effective, convenient, money-efficient, and fun.

    From their grand opening in 2019, 1000's of clients have already remodeled their body and health with the benefits a proper keto plan can provide.

    Speaking of benefits: clicking this link, you'll discover 8 scientifically-certified ones offered by the keto plan.

    ReplyDelete