ugali ko talaga ang dumaan sa isang school campus. syempre doon ako napapadaan kasi doon lang ang daanan. hehehe. then i saw a lot of cute boys there. baklang-bakla na ba ang dating? hahaha. wala naman akong intensyon na mag-pick up ng bagets over there, pero naiisip ko madalas gawin yan. hahaha. nagkataon lang na ako ay "lalakeng-lalake" sa paningin ng mga nakakasalubong ko. badtrip kapag may babaeng nag-aask na akala mo ay naliligaw. one way lang naman ang daanan sa lugar na yun, naliligaw pa. hehehe. pero kapag may "kuya" ang tumatawag sa akin na bagets..boylets para malinaw, aba, syempre " ehem ehem ehem " kailangan maganda ang pagsagot ko. hindi sesemplang. mahirap na. hahaha.
at one day, ito na nga ang "climax" ng aking kuwento, ilang araw ko na rin siyang nakikita, hindi ko alam pero naka-cross finger ako every time na mapapadaan ako sa gate ng malaking school campus na yun, kasi umaasa na ako na makikita ko talaga siya, at talagang pinagbibigyan ako ni LORD, mukhang botong-boto sa kalandian ko. hahaha. pero gusto ko lang kasi hindi masayang ang effort ko na dadaan sa lugar na yun ng hindi man lang nakikita ang gusto ko makita. hehehe.
then after ng ilang araw, nakakasalubong ko na siya, nakakasabay sa paglalakad ( destiny ito? ) at nakikikita ng mas malapitan. kahit hindi ko gusto kumain at tumambay sa tabi ng kalye na baka maholdap at ma-snatch ang dala kong gamit para lang mapalapit lamang sa kanya, madaplisan man lang ng siko niya kahit sinasadya ko na, o maamoy ang amoy araw niyang damit ( hahaha ) ay keri lang ang pagsasakripisyo, baka wala nang bukas pa. hehehe.
tapos may pagkakaton na magkakatitigan ang aming mga mata. 1 sec...2 secs...3secs...nagwish ako sana umabot naman ng one minute para ma-confirm ko kung kalahi ko ang bagets. atleast may panghahawakan ako. hahaha. ang sarap kasi eh. ang sarap niyang tumingin. hahaha. pero hanggang pag-ngiti na lamang ang magagawa ko siguro, malabong magkakilala pa kami. gusto ko man siya idagdag siya sa Facebook friends ko, malabo na. baka marami na ang nakapila sa mrt at nasa pinakadulo pa ako. hehehe.
at sa huling pagkakataon na makikita ko siya, gusto ko itanong ang pangalan niya, kahit man lang pangalan mapagnasahan ko, hahaha. at swerte naman na sa pagbukas ko nang aking isang account sa isang networking site, boom pak, i saw his account. confirm!
No comments:
Post a Comment