Friday, February 24, 2012

mga beki, nagluksa sa "pagbabaklas ng mga nagbubukulang billboards"


Waley na talagang chances ang mga beki sa kalye ng Edsa na makita ang mga nagbubukulang billboards sa Edsa. Dahil ito ay binaklas na ng mga taga MMDA na sobrang kill joy. Ha ha ha.

Isa daw sa mga dahilan ang mga nagbubukulang billboards kaya maraming aksidenteng nagaganap sa bawat kalsada ng Edsa. aba, ngayon ko lang nalaman na dahil sa bukol ng billboards, may mga aksidenteng ganyan pala.

Nawala na pala yung " lasing ang driver " o " nakatulog si kuyang driver ". Hindi na rin uso ang " pagamit ng cellphone " habang nagmamaneho. Mukhang nagiging mapagsaliksik na ang mga taga MMDA ah. At sumuporta pa ang mga taga Dep. Ed..

Taga Dep. Ed.???  Ano naman ang kinalaman ng mga taga departamento ng edukasyon sa nagbubukulang billboards??? At nakikisawsaw sa eksena? Hindi ba sila gumagamit ng mga larawan na may bukol na itinuturo sa mga estudyante??? Ha ha ha. Parang wala naman silang konek doon.

Sabagay, magkakaiba naman tayo ng iniisip sa mga larawan na makikita natin sa lahat ng lugar, kung sa iba ay malaswa iyun, aba, sila dapat ang mabaklas. Ha ha ha.

Sayang nga lang at hindi nagtagal ang mga nagbubukulang billboards sa Edsa. Ang dami tuloy natigang at nabitin. Ha ha ha.

No comments:

Post a Comment