noong bata ako, hindi ako concious sa harap ng kamera, at gustong-gusto ko na ako ay nakukuhaan ng larawan.
noong bata ako, hindi ako nahihiya na makita ako nang sinumang tao na nilalabas ko ang aking pagkalalaki upang ilabas ang tawag ng kalikasan sa loob nang
aking katawan.
noong bata ako ay hindi ko itinatago yung anumang meron ako sa mga kaibigan kong lalake at siguro sa babae na rin kung aking naaalala pa.
noong bata ako..noong panahon na yun ay wala pa akong muwang sa kahulugan nang aking pagharap sa sinuman at makita ang aking tinatagong kayamanan
pero nang ako ay nagsimula nang makisalamuha sa iba..
natutunan ko ang tinatawag nilang respeto sa kapwa.
pero naguluhan ako nang itinuro ng aking unang guro
na hindi maganda ang pagtalikod sa tao.
humarap daw ako sa reyalidad at harapin ko ang katotohanan
at huwag kong talikuran ang anumang responsibilidad sa buhay.
maraming kahulugan ang ginagawang pagtalikod ng sinuman.
maraming kadahilanan kung bakit nila nagagawang tumalikod
sa mga taong naging parte ng kanilang buhay.
pag ginawa mong talikuran ang iyong kaibigan,
maraming dahilan kung bakit ito nangyayari.
maaaring gusto mo siyang iwasan dahil mayroon
kayong hindi napagkakaunawaan.
nagagawa mong talikuran ang kaibigan dahil nagagawa mo siyang gawan ng kasalanan.
nagagawa mong talikuran ang kaibigan dahil may damdamin kang nais pigilan.
maagang namumulat ang mga mapupusok na kabataan dala ng nasa kapaligiran at mga taong nakakasaluma nila.
pagkatapos ng isang gabi ng pagtatalik ay isang responsibilidad ang hindi nila inaasahan na dapat gampanan.
maraming tanong na ayaw nilang sagutin, maraming mga panghuhusga na ayaw nilang pagtuunan ng pansin pa.
mas gusto nilang iwasan na lamang ang lahat ng iyun, at ang mas masakit, kahit nakakasaling sa damdamin ng kanilang kapareha,
handa nilang talikuran ang taong yun upang tumakbo sa problemang dulot ng ginawa nilang bagay na nagpasaya sa kanila ng ilang oras kapalit ay habang buhay na pananagutan.
handa nilang talikuran ang taong yun upang tumakbo sa problemang dulot ng ginawa nilang bagay na nagpasaya sa kanila ng ilang oras kapalit ay habang buhay na pananagutan.
iba ang panahon ng pagtalikod noon sa pagtalikod ngayon.
iba ang kahulugan noon sa panahon ngayon.
mas kumplikado ngayon kumpara noon.
mas mahirap ang pagtanggap sa kasalukuyan higit sa mga natatamong panghuhusga sa panahon noon.
iba ang kahulugan noon sa panahon ngayon.
mas kumplikado ngayon kumpara noon.
mas mahirap ang pagtanggap sa kasalukuyan higit sa mga natatamong panghuhusga sa panahon noon.
at sa pagkatao, mas malaking responsibilidad ang gagawing pagtalikod sa anumang normal na buhay na tatahakin kung hindi mo inaasahan na tanungin sa sarili kung sinoi ka nga ba talaga sa sarili mo at sa ibang tao.
mas gusto mo ang magpanggap dahil ayaw mong sumama ang loob sayo ng mga taong nagtitiwala sayo.
mas gusto mo ang balewalain ang totoo mong nararamdaman para sa kagaya mo, sa isang kauri mo dahil ayaw mong masunog ang kaluluwa sa impyerno sa paniniwalang kasalanan nga ito.
mas gusto mo na sa sarili mo na lamang iyun aminin.
mas gusto mo na sa sarili mo na lamang ito habang buhay.
ang tanong ay hanggang kailan mo ba kayang talikuran ang lahat sa pagkakataong kaligayahan mo naman ang gusto mo harapin.
masarap daw ang nakatalikod na posisyon sabi ng mga kabekihan.
talagang malikot ang mga pag iisip nila na mga nagnanais na
maka-bonus sa mga kalalakihang kanilang natitipuhan.
minsan sila ay mapagsamantala, pero mas madalas sila ay umaasa na lamang kung papalarin.
iba ang dulot na ligaya nito kahit kirot ang unang mararamdaman sa taong sasampa sa kanilang likuran.
iba-iba nang kahulugan ang pagtalikod.
pero sa anumang paraan mo ito gagamitin at gagawin, nasa sayo ang pagpapasya kung ito ba ay para sa ikabubuti o ikakasama mo.
" omg!! si kuya nakatalikod habang dyumidyingel..lol ^_^ "
-chardee-
No comments:
Post a Comment