Friday, February 24, 2012

rafa santos : bagong mukha sa mga beki?


"Personally, I find the theater actors better to work with because they don't complain, you can feed them Sky Flakes three meals a day, and pay them in cat-food, basically."

ito ang matapang at walang gatol na sagot ng bago at batang direktor na si Rafael Santos :

-25 years of age
-single father of a 3 year old girl
-singer of many ill-fated karaoke songs.
-short film director (7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na gaganapin simula July 15, 2011 sa CCP theatres sa Roxas Blvd, Pasay City).

syempre dinagsa ng batikos nang ilang madlang artista, direktor (at kung sino pa ang gusto makisawsaw) ng Pilipinas sa pelikula man, telebisyon at mundo ng teatro ang pahayag ng poging direktor sa facebook at twitter. kesyo wala pa naman itong napapatunayan para magsalita ng ganun na makahulugan na pagsasabi na binabayaran lamang ng "sky flakes at cat food" ang mga artista sa entablado.

sa panahon ko noong elementary, high schools at college, naranasan ko na tawaging direktor at totoong masarap sa pakiramdam ang marespetong pangalan na yun na kadikit sa akin.

mahirap nga lamang i-handle ang pangalan na "direktor" dahil parang ikaw ang boss kung baga ng buong proyekto. at sa tuwing may practice kami o tinatawag na taiping para ipalabas bilang proyekto sa isang class subject, masasabi kong "tinapay at softdrinks"ang pamatid pagod ( bayad o tf ) ng mga gumaganap na artista/karakter sa aking istorya.

naging character actor din ako sa mga play at masasabi ko na hindi nga naman "tf" ang basehan para masabing may class ka o sikat ka o magaling ka. mapuri ka lamang ay sapat ng kabayaran para sa mga nagangarap na makilala din.

masyadong ginawang literal lamang ng mga ilang tao ang matalinhagang sinabi ni papa rafasa isang panayam sa kanya. at tama nga naman na hindi niya need mag sorry dahil opinyon niya iyun. kailangan ba laging opinyon ng batikan o matagal ng nasa industriya ang dapat maging tama at tanggapin? haler. tao lang din sila.

at dahil sa eksenang yun, maraming bekista at babaetista ang gusto makilala ang poging direktor. walang facebook. walang twitter. walang email. tama. nakakalungkot man isipin. hahaha.

take note : wala ding asawa. PAK

No comments:

Post a Comment