Friday, February 24, 2012

last night in the bathhouse 10-06-2011

hindi ko expected na doon ang tungo ko kasama ang dalawa kong kaibigan.
at hindi ko inaasahan ang mga tanong na makukuha ko mula sa isang lalakeng
aking nakasama ng ilang minuto sa ganung lugar.

guy in the dark : why are you here? first time mo ba dito?
me : hindi! pangatlong beses ko na dito. kapag may events lang at napagawi =)
guy in the dark : are you single?
me : wala bang ibang tanong? hehehehe...
guy in the dark : umaasa ka ba na may mamimit ka dito for long term?

natigilan ako. habang hinahalikan niya ako sa aking leeg.
itinulak ko siya ng marahan dahil nakakaramdam ako ng kiliti.

me : ikaw? how old are you? bakit ka nadito?
guy in the dark : for fun...
me: gaano ka na katagal pumupunta dito?
guy in the dark : bihira lang! at swerte ako na may nakausap ako tonight. salamat ha =)

wala akong makita sa dilim ng kapaligiran.
kinapa ko ang mukha niya.
naramdaman ko ang paghalik niya sa mga daliri ko.

me : may bigote ka pala...
guy in the dark : hindi mo ba gusto? magse-shave ako if ever magkita man tayo ulit..
me : single ka ba?
guy in the dark : ke single o committed, pumupunta dito...
me : out ka ba sa inyo?
guy in the dark : ke straight, bi o bakla, naadik sa lugar na gaya dito...
me : ganun ba...ako kasi hindi...

natigilan siya at tumigil sa ginagawang paghalik sa leeg ko.

pakiramdam ko nakatitig siya sa akin pero hindi ko naman masabi
dahil sa sobrang dilim.

guy in the dark : patawad...hindi ko sinasadya na..
me : tama ka. nandito tayo para sa kasiyahan..
guy in the dark : malalim ka magtagalog. malalim ka din ba magmahal?

napatawa ako. halos umingay sa loob ng maliit ng kwarto ang tinig ng
halakhak ko. at napatawa ko siya. hinwakan niya ako sa dalawang kamay.

guy in the dark : maniniwala ka ba?
me : saan?
guy in the dark : na gusto kita? kanina pa ng makita kita
me : hahahaha. well. uso ang linya na yan sa ganitong lugar...

parang natahimik siya. ilang minuto pa ang dumaan.
niyakap niya ako ng mahigpit at humalik sa aking leeg.

guy in the dark : tara. magpalabas nalang tayo...

nakaramdam ako ng isang pagsisisi sa nasabi ko.
at kahit walang naganap sa amin ng gabing yun, naramdaman ko
ang tigas ng kanyang pagkatao, marunong rumespeto at umunawa
sa isang madilim na kapaligiran. 




1 comment: