minsan sa buhay, naroon ang pakiramdam na
parang nayayamot ka na sa buhay mo.
kasi paulit-ulit na lamang ang routine.
madalas na nakakaramdam ka ng inis
at hindi mo alam ang dahilan kung bakit.
pati ang mga nasa paligid mo na wala
namang kinalaman sa nararamdaman mo
ay dumadagdag pa lalo para lalo kang
mainis at mayamot.
ang masama pa nito ay sa mga bagay
na walang muwang mo pa sinisisi ang lahat
nang pagkasira ng araw mo.
halimbawa ay nagsimula sa bahay.
nasermunan ka nang iyong bungangerang nanay.
o kaya ay sinuot ng kapatid mo yung paborito mong t-shirt.
at lalo ka pang maiinis kapag nangatwiran ito na tila
tama pa ang ginawa nitong pangenge-alam ng gamit mo.
hindi mo naman magawang patulan dahil nagpipigil ka nga.
at mas lalo pang nakakasira ng mood kung iyun ang plano mong suotin sa araw na yun.
grabe nu?
grabeng nakakainis na araw.
gusto mo ng sumabog sa inis pero
nagpipigil ka pa rin
badtrip number 2 : nagtext sayo ang kaibigan
mo at humingi ng sorry dahil hindi pa niya magagawang magbayad ng hiniram niyang
pera sayo.
ang usapan ay usapan ika nga.
at kailangan na kailangan mo pa
naman yung pera sa mga oras na yun.
delayed din ang allowance na galing sa mga
parents mo kaya parang lalo kang nanghihina
sa sobrang inis.
badtrip number 3 : late ka na sa pagpasok sa work mo. yung sinakyan mong bus o jeep ay matagal pang umandar dahil naghihintay pa ng pasahero. gusto mo ng sabihin sa driver na "nagmamadali ako" pero hindi mo magawa at baka replayan ka naman ng " mag taxi ho kayo o mag-operate kayo ng sarili nyong bus "
ayaw mo naman mapahiya kapag pilosopo ang driver
o konduktor.
buntong hininga ka nalang talaga habang panay tingin sa oras ng iyong dalang cellphone.
badtrip #4 : ang lakas ng ulan sobra.
at wala kang dalang payong. at ang hirap
sumakay sa mga punuang sasakyan.
wala kang ginawa kundi ang maghintay.
kahit na nilalamig ka na sa sobrang basa,
habang nasa loob ka ng bus at nakatayo, parang
wala sayong pake-alam ang mga tao ( para sa mga
babaeng pasaherong basang-basa mula sa ulan ) higit
ang mga lalakeng nakaupo at naghihilik pa kung
natutulog man ang mga ito.
gusto mo bumahing sa harapan nito, pero magmumukha kalang tanga dahil mas magaling umarte ang mga ito na
walang napapansin at nakikita.
oha! hahaha!
pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pangmatagalan ang
inis ang mararamdaman mo.
halimbawa sa paglalakad mo pa lang ay may mga makakasalubong kang mga taong nakakatuwa sa mga kilos na nagpapangiti sayo ng hindi mo intensyon.
may maririnig kang mga bagay o kuwentuhan sa jeep
na simpleng pipigilan mong tumawa, baka sabihin na
nasisiraan ka ng ulo dahil mag isa kang tatawa kung
nagkataon.
ang tao ay sadyang may topak kung tawagin.
hindi mo maiinitindihan ang mga nasa loob kung hindi magsasalita ang mga ito.
iba-iba din naman ang mga bagay na nagpapahupa sa mga
nararamdaman nilang inis o tuwa sa bawat pagkakataon.
ibabalanse ika nga.
para sa mga kalalakihan, sapat na ang mga may
mga makakasabay silang magagandang babae o
may taglay na alindog sa paningin nila sa mga
masasakyan nilang pampasaherong sasakyan.
o may biglang dadaan sa harapan nila na "dyosa" sa ganda.
o may biglang magtatanong sa kanila na biglang magpapatahimik
sa kanila. napalitan ng paghanga ang mga inis na nararamdaman nila.
ganun din naman sa mga kababaihan.
may mga magaganda sa paningin nila na itinatago na lamang nila
sa kanilang sarili ang paghanga sa mga iyun.
ang mga kabataang kababaihan higit ang mga mag aaral na babae
ay ang mga tipong "showy" sa nararamdaman nila.
may mga punchline na "kuya, ang gwapo mo, natanggal na ang stress ko sayo..salamat sa pagpapaganda ng araw ko", yun oh, hehehe^_^
at para sa mga beki at ka-pederasyon naman, higit na nakakatulong sa kanila na makakita ng "gwapo' o "macho" sa kalsada, o sa mga pampasaherong jeep o bus, o mga nakatambay lamang sa tabi upang mawala yung mga silakbo ng damdamin nila gaya ng inis o tampo sa mga bagay-bagay sa mga oras na yun.
at kahit naman ako ay aminadong nakakawala ng umay ang mga magagandang katawan at gwapong mukha sa paningin ko...lol ^_^
at aminin nyo man o hindi, alam kong inuna nyo munang pagmasdan ang mga larawan bago nyo binasa ang
ang pagsasalaysay. o baka larawan lang talaga ang tiningnan nyo. hehehe. ayos ba mga dudes.
-mga piling larawan mula sa aking lumang
album at mga nakaw nalarawan sa tabi-tabi
gamit ang aking nag-iisang telepono na may
kamera. salamat sa teknolohiya. hahaha-