Monday, September 17, 2012

Si Corvic.

Hindi ko na maalala kung kailan nga ba kami unang nagkita ng taong ito. Basta pinukaw niya ang aking atensyon noong umakyat siya ng stage at nilandi-landi ng mga stand up comedian.




Tinanong siya kung single ba siya at anong tipong tao ang gusto niya makasama habang buhay.
Sa madaling salita nalang, ano ba ang mga katangiang pisikal ang tipo niya na kanyang sinagot na nagpabagsak sa mga balikat namin ng aking kaibigan na katabi at ka-share ko isang table nang marinig namin. He He He ;P

Tsinito ang mga tipo niya na medyo chubby at parang umarko ang mga kaliwang kilay namin ng aking kaibigan dahil parang yung kinaiinisan pa namin na tao ang parehong nasa isip namin na kanyang pinapatamaan ng kanyang sagot. Kumanta nalang sana siya agad para natapos na ang Q & A sa kanya ng mga stand up comedian. ;D

Pareho kaming nasa isang fb group kaya nagkaroon ng pagkakataon na makilala namin ang isat-isa. Kung hindi pa nasabi ng aking kaibigan sa mga oras na yun na may itsura ang lolo mo, hindi ko pa talaga siya papansinin dahil abala din ang aking mga mata sa ibang mga naroon.

Pero bago matapos ang party o general eyeball ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mayakap ng ilang ulit ang katawang lupa ng bruskong lolo. At panalo sa tigas ang katawang lupa ng lolo mo. Ha Ha Ha.

Tapos sa mga wall posts nalang ako updated sa kanya, parang wala na ring pagkakataon na muli kaming magkita, pero nagkamali naman pala ako ng iniisip dahil kamakailan lang ay nagkita kami para dumalo ako sa kanyang other business life.

OH EM GEE.

Ang tagal bago nagtagpo ang aming landas sa texts at tawag ay doon lamang kami talagang nagkaroon ng chances na magkausap.

Nang magkita kami, binulatlat ko agad ang aking payong, ok lang na ako ang mabasa ng ulan, pero syempre sa isip ko lang yun. :D

Magkatabi kami ng ilang oras. May mga pakulo kasi ang speakers kaya nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan ko ang kanyang mga balikat at ganun din naman siya sa akin.

Feeling ko ay ang ganda ganda ko sa mga oras na yun, kasi ang gwapo ng kasabay ko sa paglalakad. Ha Ha Ha. Pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong namin.

Kung pwede lang gumawa ng krimen sa elevator habang kaming dalawa lamang ang naroon ay ginawa ko na. Krimeng pagnanasa. Ha Ha Ha.

Pero sa ending, nagkahiwalay na kami at bahala na kung may pagkakataon muli na kami ay magkita ng kaming dalawa lang ulit. Umaambisyon lang ;D

Pero may panghihinayang na pakiramdam sa sarili ko ng sabihin ng kaibigan ko na hindi na siya SINGLE.


-------
@akosichardee (twitter)
akosichardee@yahoo.com (fb)

No comments:

Post a Comment