magkikita kami ng kaibigan ko sa MOA from laguna pa siya manggagaling.
samantalang ako ay galing lamang ng syudad ng kyusi.
masama ang pakiramdam ko nang mga oras na yun.
sobrang sakit kasi ng ngipin ko.
as in talagang iiyak na ako sa sakit.
mabuti na lamang ay nakainom na ako ng gamot para mamanhind na lamang
ang nararamdaman kong sobrang sakit.
nasa loob ako ng aircon bus.
ang lamig sobra.
sana hindi naman dumagdag yung pagkahilo ko sa byahe,
ang dasal ko sa mga oras na yun.
dahil hindi talaga ko sanay sumakay ng bus.
maya-maya pa ay napansin ko ang konduktor ng bus.
haist.
yung sakit ng ngipin ko ay parang lalong sumakit
dahil sa bilis ng pagpintig ng bawat pulso ko.
hahaha.
lumapit na siya sa akin para kunin ang bayad ko.
syempre todo smile ako.
kahit namimilipit na ako sa sakit.
me : mall of asia =)
konduktor : 55 lang po sir!
me : ang mura mo naman..este..mura ng byahe (byaheng langit..hahaha)
napangiti na lamang siya.
inabot ko ang king bayad.
nadaplis ang isa kong daliri sa kanyang palad.
konduktor : isa lang po kayo?
me : oo =)
inabot niya sa akin ang aking sukli.
at sinadya ko talagang yung palad namin ay magkadikit,
habang kinukuha ko ang aking sukli.
hahaha.
hindi ko talaga ideya na kunan siya ng video mula sa aking mobile
phone sa tuwing malapit siya sa upuan ko,
habang kinukuha niya ang mga bayad ng bawat pasahero.
pinag aralan ko ang kanyang tindig.
nakatalikod man siya o nakaharap.
marami na akong nakikitang gwapong konduktor sa mga nasasakyan kong bus.
pero mailap ang pagkakataon para sila ay aking malandi.
hahaha.
konduktor : malayo pa po ang "moa" sir !
me : tatayo na ako para makaupo na yung iba!
ilang kanto na lang naman =)
at nagkasagi ang aming mga likuran.
hahaha.
ang sarap ng katalikuran ko.
hahaha.
sana may pagkakataon na makita ko siya muli.
sayang nga lamang at hindi ko nakuha ang pangalan ng bus
at plate number nito.
hahaha.